Maalon man ang galit ng mapanganib na dagat,
Kusa rin itong huhupa sa paghalik sa dalampasigan.
Monday, June 28, 2010
Alon sa Dalampasigan
Thursday, June 17, 2010
Bilang Na Ang Oras ng Ating Tagapamuno
Malapit nang matapos ang panahon ng kanyang pagrereyna.
Nabibilang na ang araw ng kanyang huling pagpaparamdam sa lahat.
Isang tanda ng kanyang malapit na pamamaalam sa puwesto.
Nakalulungkot isipin na sa kabila ng matagal niyang pamamayagpag sa serbisyo'y namantsahan ng kontrobersiya ang inaasahang magandang pamumuno ng kanyang administrasyon. Kaliwa't kanang pambabatikos ang kanyang natanggap hinggil sa mga isyung ipinupukol sa kanya at sa kanyang mga alagad. Isang patunay na ang dating tinitingalang babaeng ng lahat ay aalis ng nakayukod baon ang masasakit na alaalang naranasan sa kanyang pamumuno.
Subalit, may katotohanan kaya ang mga paratang na ibinibintang sa kanya? Hindi ba't marapat na bigyan ng tamang pag-uusig ang mga isyung idinidikit sa kanyang pangalan upang magkaroon ng patas na pagtitimbang sa mata ng batas?
Tulad ng iba pang administrador, hindi maihihiwalay ang ilang mga suliraning hahamon sa kanyang pamamahala.
Una, ang pagiging ganid sa kapangyarihan na maging ang kanyang mga galamay ay natutuhan na ring maging katulad niya na nagbabakasakaling maiangat ang sarili sa kabila ng hindi matapos-tapos na mga paratang.
Pangalawa, hindi maayos na pamamalakad ng administrasyong marapat sana'y sasagot sa mga hinaing ng kanyang nasasakupan. Sa halip na solusyunan at bigyan ng panaho'y tila yata hinahayaan na lamang kaya't ang resulta'y kaguluhan at kalituhan.
Ikatlo, ang usaping salapi ng administrasyon na ginagamit diumano sa iba't ibang proyektong hindi kaugnay sa departamentong pinagkuhanan ng mga pondo.
Ilan lamang iyan sa mga mabibigat na isyung dapat bigyan ng wastong kasagutan.
Kasagutang magbibigay linaw sa katanungan ng nakararami.
Isang paraan upang maisalba ang sarili sa labis na kahihiyan.
At ngayong nabibilang na ang oras ng ating tagapamuno sa puwestong kanyang kinakapitan, marapat na siyang magnilay-nilay at magtimbang-timbang upang sa muli niyang tutunguhang tahanan ay maisaayos niyang muli ang 'nabasang papel' na kanyang hawak.
Tama ba ako Kuya Noy?
Wednesday, June 16, 2010
KKK - Kapuyatan Kaba Katangahan
Sanhi ng hindi sapatna pagkakatulog sa nakalipas na gabi, pakiramdam ko sa sarili'y tila lumulutang sa alapaap na di mawari. Hindi magawa nang mahusay ang mga gawaing dapat sana'y isasakilos sa ngayon, tulad ng pagbabalot ng banghay-aralin, paggawa ng mga kagamitang biswal at pag-aaral sa leksyong marapat sana'y ganap na napaghandaan.
Binalot pa ng kaba ang dibdib ng mabalitaang may mga nakatataas na opisyal na dumating sa aming paaralan upang mag-obserba at manuri sa mga isyung nagbibigay lumbay sa bumubuo ng paaralan - guro, mag-aaral at maging mga magulang. Nawa'y masolusyunan na ang mga sigalot na naging bunga ng hindi mabuting pagkakaunawaan.
Habang isinusulat ko ang pitak na ito'y may isang nakatutuwang pangyayaring naganap sa akin. Nag-aalala ako para sa mga bago kong mag-aaral sa pamamahayag sapagkat sa oras ng aking klase ay kinakailangan kong maghanap ng silid-aralan para sa kanila. Mahalaga para sa aming masimulan ang paghahanda sa mga inaasahang timpalak na aming sasalihan sa kalagitnaan ng taong pampanuruan. Kung saan-saang lugar na ako nagtungo upang hanapin ang taong maaaring makatulong sa aking suliranin. Halos kalahati na ng oras ng klase ang nawala upang tugunan ang aking problema. Habang abala ako sa paghahanap ng silid para natagpuan ko ang aking hinahanap na tila kadarating pa lamang sa kung saan, kapapasok pa lamang sa opisina at kasalukuyang nagsusulat sa aming log sheet. Isiniwalat ko sa kanya ang aking pakay at nabanggit ang isang solusyon na tutugon sa aking problema. Manaka-naka'y kanyang nabanggit sa akin na ang tala ng aking oras sa isang linggo'y hindi ayon sa nalalaman kong tala. Sa halip, kanyang binitiwan ang ganito, "Wala kayong klase ngayon. Iba ang teacher nila sa oras na ito."
Kapag minamalas ka nga naman...
Sa kabilang banda'y mabuti na rin ang nangyari sapagkat nasolusyunan ko naman ang aking haharaping problema kinabukasan.

Tuesday, June 15, 2010
Bagong Kabanata...
Isang bagong kabanata ng buhay bilang isang guro ang aking hinarap ngayong araw. Sa kabila ng mahabang bakasyon at kasabay ng makasaysayang eleksyon noong nakalipas na buwan, muli akong nagbalik sa propesyong aking ikinabubuhay - ang pagtuturo.
Nag-umpisa ang aking araw sa muling pakikisalamuha sa aking mga kasamahang guro sa paaralan na masusing nagbabantay sa mga bago at datihang mag-aaral. Napag-usapan ang bagong buhay na naghihintay sa aming kapalaran ngayong taong ito. May mga kasamahan akong nakapagpahayag ng negatibong pag-uugali sa mga mag-aaral sa taong ito. May pag-aanalisa pa nga na kung saan ang mga mag-aaral raw ay tila humihina na kumpara sa mga nakalipas na taon.
Bagamat may katotohanan. Isang hamon pa rin kung maituturing sa hanay ng mga kaguruan ang mga negatibong katangian ng mga kabataan sa kasalukuyan. Naniniwala akong sa mahusay na paggabay sa mga batang ito, maitutuwid ang mga mali nilang nakagawian at pag-uugali.
Nakadaupang-palad ko na ang aking mga hahawakang klase kaninang umaga, ang IV-Einstein at ang IV-Aristotle. At sa aking pakiwari ay makakaya naman ng mga pangkat na ito ang hamon ng buhay sa Ikaapat na Taon. Nakakalungkot lamang isipin na ang nakasanayan kong mag-aaral sa mga nakalipas na taon ay hindi malayong maikukumpara sa mga kabataang ito subalit nananalangin akong mahigitan nila ang mga naunang pangkat.
Sa mga bago kong mag-aaral at mga kaguro, nawa'y maisakatuparan natin ang ating mga layunin sa taong ito sa gabay ng Panginoon.
Subscribe to:
Posts (Atom)