Tuesday, June 15, 2010

Bagong Kabanata...


Isang bagong kabanata ng buhay bilang isang guro ang aking hinarap ngayong araw. Sa kabila ng mahabang bakasyon at kasabay ng makasaysayang eleksyon noong nakalipas na buwan, muli akong nagbalik sa propesyong aking ikinabubuhay - ang pagtuturo.

Nag-umpisa ang aking araw sa muling pakikisalamuha sa aking mga kasamahang guro sa paaralan na masusing nagbabantay sa mga bago at datihang mag-aaral. Napag-usapan ang bagong buhay na naghihintay sa aming kapalaran ngayong taong ito. May mga kasamahan akong nakapagpahayag ng negatibong pag-uugali sa mga mag-aaral sa taong ito. May pag-aanalisa pa nga na kung saan ang mga mag-aaral raw ay tila humihina na kumpara sa mga nakalipas na taon.

Bagamat may katotohanan. Isang hamon pa rin kung maituturing sa hanay ng mga kaguruan ang mga negatibong katangian ng mga kabataan sa kasalukuyan. Naniniwala akong sa mahusay na paggabay sa mga batang ito, maitutuwid ang mga mali nilang nakagawian at pag-uugali.

Nakadaupang-palad ko na ang aking mga hahawakang klase kaninang umaga, ang IV-Einstein at ang IV-Aristotle. At sa aking pakiwari ay makakaya naman ng mga pangkat na ito ang hamon ng buhay sa Ikaapat na Taon. Nakakalungkot lamang isipin na ang nakasanayan kong mag-aaral sa mga nakalipas na taon ay hindi malayong maikukumpara sa mga kabataang ito subalit nananalangin akong mahigitan nila ang mga naunang pangkat.

Sa mga bago kong mag-aaral at mga kaguro, nawa'y maisakatuparan natin ang ating mga layunin sa taong ito sa gabay ng Panginoon.

2 comments:

  1. hope na maging okay naman lahat, kung baga SMOOTH SAILING ika nga. sa tingin ko naman ganun na nga kasi established ka naman na sa propisyun...kumbaga---INSTITUSYUN ka nang matatawag. ikaw ba ang 10 years na sa pagtuturo diba? hehehe

    ReplyDelete
  2. nyek! ten years ka jan... wala pa ako sa kalingkingan mo sa serbisyo noh! hehehe!

    salamat sa pagbabasa...

    pasenxa na sa kalaliman... EMO po kc... hehehe!

    ReplyDelete